Tuesday, November 4, 2008

5 things...(samu't sari)


"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo... Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan e nagmumukha ring pandesal."

"hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito.
at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "

"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo - ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."

"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."

" Para san ba ang cellphone na may camera (at kung anu-ano pa!)? Kung kailangan sa buhay yun, dapat matagal na kong patay."

No comments: